How true ang tsikang tinutukso raw si Kapamilya star Daniel Padilla sa “Incognito” co-star niyang si Kaila Estrada?
Sa latest episode ng “Showbiz Updates” kamakailan, inispluk ni showbiz insider Ogie Diaz na may nagtanong daw kay Kaila kung totoo raw bang nililigawan siya ni Daniel.
May nagtanong kay Kaila kung totoo bang nililigawan siya ni Daniel Padilla. Kasi sila ‘yong parang laging magkaeksena [sa ‘Incognito’]. Si ‘Max’ at si ‘Andres,’” lahad ni Ogie.
“E, parang nabanggit sa akin ‘yan ni Kaila sa aking interview,” pagpapatuloy pa niya. “Hindi niya type ‘pag taga-showbiz na katulad din niya. Gusto niya non-showbiz.”
Pero—ayon sa showbiz insider—hindi naman niya masasabing walang pag-asa si Daniel dahil mahirap naman daw magsalita ng tapos.
Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon sina Daniel at Kaila tungkol sa nasabing tsika.
Kaya sabi nga ni Ogie, “Baka naman tuksu-tuksuhan lang ‘yan at ang totoo naman pala e magkakaibigan talaga sila.”