February 22, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Content creator Jen Barangan, ikinasal na!

Content creator Jen Barangan, ikinasal na!
Photo courtesy: Nice Print Photo (IG)

Ikinasal na ang content creator na si Jen Barangan sa kaniyang partner na si Renz David, Lunes, Pebrero 17 sa isang lugar sa Baguio City.

Makikita ang wedding photos ng mag-asawa sa Nice Print Photo sa kanilang official Instagram page.

Mababasa sa caption, "It’s official! Mr & Mrs @pilot.renz and @jenbarangan "

"Best wishes!" dagdag pa.

Relasyon at Hiwalayan

Kris Aquino, single na ulit!

Batay sa lokasyon ng post, ang venue ay sa Alphaland Baguio Mountain Lodges.

Noong Pebrero 16 naman, ibinahagi ni Jen ang surprise bridal shower para sa kaniya.

"As the planner of the group, I never thought I would get to have a surprise bridal shower. These badangs pulled it off! (I wonder how many arguments it took them to plan this out)," aniya.

Makikita rin sa Instagram posts ni Jen ang ilang mga kuha sa preparasyon niya bago ang aktuwal na kasal.

Matatandaang noong Oktubre 2024 ay nag-viral si Jen matapos sitahin ng mga netizen sa paggamit ng flashlight habang nanonood sa concert ni Olivia Rodrigo.

MAKI-BALITA: Jen Barangan, kinuyog matapos mag-lights on recording sa Olivia Rodrigo concert

Agad naman siyang humingi ng sorry sa lahat ng mga naapektuhan ng kaniyang ikinilos.

MAKI-BALITA: Jen Barangan, nagsalita na sa isyu ng kawalan ng concert etiquette

MAKI-BALITA: Apology letter ni Jen Barangan, dinogshow at ginawan ng memes