May 22, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Apology letter ni Jen Barangan, dinogshow at ginawan ng memes

Apology letter ni Jen Barangan, dinogshow at ginawan ng memes
Photo courtesy: Jen Barangan (IG)

Tila kinatutuwaan ngayon ng netizens ang apology letter ng content creator na si Jen Barangan kung saan ginaya na rin ito ng ilang Facebook page upang gawing anunsyo.

KAUGNAY NA BALITA: Jen Barangan, nagsalita na sa isyu ng kawalan ng concert etiquette

Matatandaang matapos mag-viral at bansagang “new concert pet-peeve,” matapos niyang i-record ang sarili habang nakatutok ang flashlight sa likurang bahagi kung saan ilang audience ang umano’y nasulo rito, noong world tour ni Olivia Rodrigo noong Oktubre 5, 2024 ay humingi ng paumanhin si Barangan gamit ang isang matipid na Instagram post noong Oktubre 8, 2024.

KAUGNAY NA BALITA: Jen Barangan, kinuyog matapos mag-lights on recording sa Olivia Rodrigo concert

“To Everyone, I’m sorry for my actions. Best, Jen,” saad ng isang larawan na ibinahagi ni Jen.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Bunsod nito, ilang Facebook page tuloy ang gumaya sa matipid na format ng nasabing apology letter.

Ang pizza store, inihayag ang tila stand nila sa contested taste ng pagkakaroon ng pineapple sa pizza.

“To Everyone, Masarap ang pizza na may pineapple,” saad ng Facebook post nito noong Miyerkules, Oktubre 9, 2024.

Hindi rin nagpahuli ang isang sikat na fastfood chain at ginaya rin ang nasabing format upang iendorso ang kanilang produkto.

“To Everyone, Wala akong maisip isulat. Basta try niyo ‘yung dalawang new dips for mcnuggets bukas ha, saad ng Facebook post nito noong Miyerkules pa rin, Oktubre 9, 2024.

Sa katulad na format din idinaan ng isang sikat na mall ang kanilang “10.10 sale.”

“To everyone, Happy 10.10! We have a lot of deals and promos today here in MOA. IYKYK.”

Kumagat din sa pakulo ang isang driving school upang paalalahanan ang ilang motorista.

“To everyone, ‘Wag po kayong busina nang busina, kakapressure po eh.”

Ang Ateneo Human Rights Center, sa ganoong format din ipinaabot ang mensahe sa kanilang mga estudyante.

“To Everyone, Get your well deserved break. Hindi ka machine tao ka-mahalaga. After all, rest is human right,” saad nito sa nasabing post.

Ang sikat na Facebook page na “Follow the trend movement,” (FTTM), hindi rin nagpahuli sa kanilang entry,

“To boss, ‘yung bonus po namin hehe.”

Ilan lamang ito sa mga Facebook page na nauna nang pinaandar matapos ang viral apology ni Barangan. Ikaw? Anong entry mo?

To everyone,

I-like at i-share ang aming posts, nakakapagod na mag-isip hahahaha

Best,

Friend.

Kate Garcia