February 23, 2025

Home SHOWBIZ

Miguel Tanfelix, gaganap bilang Carlos Yulo?

Miguel Tanfelix, gaganap bilang Carlos Yulo?
Photo Courtesy: Miguel Tanfelix, Carlos Yulo (FB)

Tila may pinaghahandaang bagong role ang “Batang Riles” star na si Miguel Tanfelix para sa isang programa.

Sa Facebook reels na ibinahagi ni Miguel kamakailan, mapapanood ang pagpapakitang-gilas niyang mag-back tuck kasama si two-time Olympic gold medalist at Filipino pride gymnast Carlos Yulo.

“[T]raining na may konting pressure. Pang double  Olympics gold na ba? hahahaha Carlos Edriel Yulo,” saad ni Miguel sa caption.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Anne Curtis, pinag-birthday concert sa 'Showtime' nang hindi handa

"Feeling ko gaganap si Miguel as Carlos Yulo sa Magpakailanman "

"Cgro ung next mgpakailanman about Kay Carlos yulo... Tz si Miguel ung ggnp... Kya nagpprktiz n ngaun"

"galing Pala nito ni meguel tambling"

"Nice one Miggy.. pang olympic na "

"Sobrang talented "

"Gagganap ng magpakailanman" 

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inaanunsiyo kung itatampok ba sa drama-anthology series na “Magpakailanman” ang buhay ni Carlos.