Tila nagduda si Kapuso Ultimate Star Jennylyn Mercado sa intensyon noon ni Kapuso Drama King Dennis Trillo na pakasalan siya.
Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, inamin ni Jennylyn na kinuwesityon daw niya si Dennis
“Noong una siyempre, kasi Tito Boy buntis ako, e. Buntis na ako no’n. Una ‘yong nasa isip ko parang dahil ba buntis ako kaya ako pakakasalan? Tinanong ko ‘yon sa kaniya,” saad ni Jennylyn.
Pero ayon kay Dennis, “Hindi naman ‘yon ang dahilan kung bakit, Tito Boy. Kasi no’n pa lang, bago pa kami magpakasal, bago pa mag-pandemic at lahat, parang asawa na rin ‘yong turingan namin sa isa’t isa.”
Dagdag pa ng aktor, naiintindihan daw niya ang pinanggalingan ng kaniyang misis kung bakit nito naitanong ang tungkol sa intensyon niya sa pagpapakasal.
“Gets na gets ko po ‘yon,” aniya. “Importante sa babae ‘yong assurance at security na mabibigay ng tao sa kaniya.”
Matatandaang ginanap ang pag-iisang-dibdib ng celebrity couple sa pamamagitan ng isang civil wedding na ginanap sa Quezon City noong Nobyembre 2021.
MAKI-BALITA: Jennylyn at Dennis, ikakasal na; unang baby, on the way na rin