Tila marami ang naka-relate na netizens sa kakaibang “paandar” ng Commission on Human Rights (CHR) matapos bumulaga sa kanila ang animo’y hugot post nito para sa darating na Valentine’s Day.
Kamakailan kasi ay naglabas nang kakaibang paalala ang komisyon hinggil sa karapatang pantao na may kaugnayan sa buwan ng pag-ibig, at kung paano raw tumukoy sa ‘ika nga nila’y “red flag.”
"Paawat ka naman beh, baka magkagusto ka pa sa taong walang pakialam sa human rights ah," saad ng nasabing post.
Agad naman itong ginatungan ng netizens at naglabas din ng kani-kanilang hugot entries.
“Huwag umibig sa taong wala kang karapatan HAHAHAHA”
“Paano po kapag walang pakialam sa akin?”
“Kaninong intern to may lumabas na namang intrusive thoughts.”
“Sinong heartbroken sa CHR?”“Edit ko na pala yung ideal type ko teh ito dapat ang non-negotiable hahahaha”
“Dapat off sa table ang cheating at walang pake sa human rights ah!”
Ginawan na rin ng CHR ng FB Reels ang naturang post na umabot na sa 12k views at 126 shares.