February 08, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Kim Chiu, Janine Gutierrez muling nag-isnaban?

Kim Chiu, Janine Gutierrez muling nag-isnaban?
Photo Courtesy: Kim Chiu (IG), Janine Gutierrez (FB)

Nagkasama raw sina Kapamilya actress Kim Chiu at Janine Gutierrez sa first death anniversary mass ni Dreamscape Entertainment head Deo Endrinal.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” kamakailan, nabanggit ni showbiz insider Ogie Diaz na kasama raw sina Kim at Janine sa mga artistang dumalo sa babang-luksa ni Deo.

Kaya usisa ng co-host niyang si Mama Loi, “Teka, Nay. Nando’n si Kim saka si Janine? Nagkita ba ‘yong dalawa?”

“Nagkita yata pero parang nag-iwasan daw. Totoo ba ‘yon?” saad ni Ogie.

Tsika at Intriga

Mga marites na netizen, nakiusap kay Andi: 'Pa-dark mode po sana stories n'yo!'

Dagdag pa niya,  “May nagtsika lang sa akin. Tinanong ko sa kaniya kasi. ‘Ano nag-iwasan ba?’ [Sabi ng source ko,] ‘Hindi ko kasi sila nakita, Ogs, e na nagkalapit [at] nagkausap. Si Kim Chiu kasi tinawag niya si Paulo para tumabi sa kaniya.’”

Matatandaang bago pa man ito ay lumutang na rin sa “Showbiz Updates” noong Abril 2024 na hindi rin daw nagpansinan sina Kim at Janine nang magkita umano sila sa ASAP.

MAKI-BALITA: Kim Chiu, Janine Gutierrez inisnab ang isa't isa?

Nangyari ang lahat ng ito matapos makitaan ng chemistry sina Kim at Paulo Avelino sa TV series na “Linlang” na nasundan pa ng “What’s Wrong With Secretary Kim?”

MAKI-BALITA: Kim Chiu, Paulo Avelino bibida sa ‘What’s Wrong With Secretary Kim’

Dahil dito, umugong tuloy ang bali-balitang hiwalay na raw sina Janine at Paulo kahit wala pa namang opisyal na pahayag ang dalawa tungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon.

MAKI-BALITA: Janine, Paulo, split na?

Pero sa kasalukuyan, masaya na naman si Janine sa piling ni Jericho Rosales.