January 31, 2025

Home BALITA National

PBBM, 'di nagsisising naging presidente: 'Not for one single moment!'

PBBM, 'di nagsisising naging presidente: 'Not for one single moment!'
Pangulong Bongbong Marcos (FB)

Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi siya nagsisising naging pangulo ng Pilipinas kahit marami raw responsibilidad at kailangang gawin habang nasa posisyon.

Sa gitna ng kaniyang talumpati sa 20th National Convention of Lawyers sa Cebu City nitong Huwebes, Enero 30, sinabi ni Marcos sa mga dumalong opisyal ng Visayas na hindi problema para sa kaniya ang kinahaharap niya ngayon bilang pangulo dahil trabaho raw niya ito.

“[Kung] nagsisisi ako, actually, hindi. Not for one single moment,” ani Marcos.

“Because even though there are much needs to be done, unang una iba yung approach ko. ‘Ang dami mong problema,’ hindi problema ‘yan, trabaho ko ‘yan. That’s my job. These are not problems. This is the job that we intend to do,” dagdag niya.

National

Romualdez, inalala dedikasyon ni Lagman para sa ‘human rights, good governance, social justice’

Bukod dito, sinabi rin ni Marcos na isa pang dahilan kung bakit wala siyang pagsisising naging presidente ng bansa ay dahil na rin sa haba ng kaniyang naging karera sa politika.

“The reason that I never regret being in this position is that I have been in political life for most of my adult life, and I can say with great confidence that being president, being of this service at this level, is the greatest honor and privilege that any human being can ever be granted by his own people,” saad ni Marcos.

Anak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., nahalal si PBBM bilang pangulo ng bansa noong 2022.

Bago maging pangulo ng bansa, naging vice governor si PBBM ng Ilocos Norte (1981 hanggang 1983), gobernador (1983 hanggang 1986; 1998 hanggang 2007), congressman ng ikalawang distrito ng Ilocos Norte (1992 hanggang 1995; 2007 hanggang 2010), at senador (mula Hulyo 2010 hanggang 2016).

Inirerekomendang balita