January 30, 2025

Home BALITA

Eroplano ng Air Busan, nagliyab!

Eroplano ng Air Busan, nagliyab!
Photo courtesy: AP via One PH

Nasunog umano ang Airbus A321 ng Air Busan sa Gimhae International Airport sa South Korea noong Martes ng gabi, Enero 28, sa hindi pa malamang dahilan.

Tatlo umano sa mga lulan nito ang nagtamo ng minor injuries habang tumatakas palayo sa eroplano, subalit sa kabuuan, ligtas daw na na-rescue ang mga sakay nitong 169 pasahero, 6 na cabin crew, at 1 engineer sa pamamagitan ng escape slide.

Napatay naman ang apoy matapos ang isang oras, bandang 11:31 ng gabi.

Ayon pa sa ulat ng One PH, sa Hong Kong sana ang flight ng eroplano nang biglang masunog ang likurang bahagi nito habang nasa runway pa.

National

Erwin Tulfo, nanguna sa senatorial survey ng SWS

Matatandaang nagkaroon naman ng aksidente ang Jeju Air noong Disyembre 29 na ikinasawi ng mga pasahero nito matapos sumalpok sa isang pader sa runway.

MAKI-BALITA: May Pinoy kaya? Eroplano sa South Korea nag-crash, 96 patay!

MAKI-BALITA: ‘Shall I make a will?’ huling mensahe ng pasahero ng nag-crash na eroplano sa S. Korea