Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang probinsya ng Batanes dakong 9:48 ng umaga nitong Lunes, Enero 27, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol.
Namataan ang epicenter nito 166 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Itbayat, Batanes, na may lalim na 11 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks o pinsala ng lindol.