Marami ang tila nag-abang sa magiging sagot ng dating "GirlTrends" member na si Dawn Chang sa direktang pagsita sa kaniya ni Kapamilya actress Chie Filomeno, kaugnay ng naging pa-blind item niya sa panayam sa kaniya nina Stanley Chi at Anjo Yllana sa kanilang show noong Oktubre 18, 2024.
Matagal nang lumipas ang nabanggit na panayam subalit kamakailan lamang nag-react dito si Chie, nang i-tag siya sa X ng isang netizen.
Sa nabanggit na panayam, nauntag ni Stanley si Dawn kung may nakaaway na ba siyang artista?
Sagot ni Dawn, "Meron ba? Wala ako maalala, ah meron isa lang, pero pinagtanggol ko lang sarili ko."
"Bakit, anong issue?" tanong naman ni Anjo.
"Itong si Girl nagre-rehearse kami ng dance, inagawan ba naman ako ng position sa steps tapos inaway ako, nagpa-interview pa, ako daw nang-away."
Humirit pa si Anjo kung ang tinutukoy ba niya ay si showbiz insider Cristy Fermin, na kung matatandaan, ay nakaaway online ni Dawn noong kasagsagan ng 2022 national elections, na umabot pa nga sa legal na usapin.
Sey naman ni Daw, "Hindi no pero ka-initials niya haha at meron na siyang sinabunutan dati."
Ibinahagi naman ni Chie sa kaniyang X post, Biyernes ng gabi, Enero 24, ang art card ng nabanggit na panayam at direktang sinita si Dawn.
"Oh bakit nahiya ka pa pangalanan ako@thedawnchang? ," anang Chie.
"About the rehearsal, that NEVER happened. At alam ng prod sa Showtime yun, actually yung staff sa showtime nagsabi sa akin about this kanina at nagulat din sila. Your mouth is full of lies talaga no?"
"Sige nga bakit ko muna hinila yung buhok? Balik ko sa’yo sinabi mo 'Pinagtanggol ko lang sarili ko ah.'"
Sa isa pang X post, muling bumanat si Chie.
"Naka move on na lahat. Tahimik na buhay ko, andoon pa din si ate mo Dawn. 2025 na, tumigil ka na kung hindi mo kaya mag name drop. Last ko na to. ."
Samantala, usap-usapan naman ang X post ni Dawn na sa halip na sagutin ang direktang pasaring sa kaniya ni Chie, ay nag-post lamang ng kaniyang larawan na ifine-flex ang kaniyang lash extensions.
"Best. Lash Extensions. Ever! #Ayumi" mababasa sa kaniyang X post.
Sa comment section, hiniritan naman ng mga netizen na sagutin ni Dawn ang posts ni Chie laban sa kaniya.
Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Dawn kay Chie.
MAKI-BALITA: Chie binuweltahan si Dawn: 'Your mouth is full of lies talaga no?'
MAKI-BALITA: Chie kay Dawn: '2025 na, tumigil ka na kung di mo kaya mag-name drop!'