Magsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng road reblocking at road repairs simula Biyernes, Enero 24, 2025.
Ayon sa pahayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Huwebes, Enero 23, sisimulan ng DPWH ang pagkukumpuni simula 11:00 p.m. ng Enero 24 na tatagal hanggang 5:00 a.m. ng Lunes, Enero 27.
Narito ang mga maapektuhang daan:
1. EDSA Southbound between Zamora Street and Taft Avenue, (5th lane from Inner Lane)
2. Payatas Road after Amlac Ville (outer lane)
3. Luzon Avenue Service Road infront of Puregold (outer lane)
4. G. Araneta Avenue corner P. Florentino St. (outer lane)
Abiso ng MMDA sa mga motorista na dumaan sa mga alternative routes.