January 24, 2025

Home SHOWBIZ

Andrea, grateful na maraming magagandang babae pero siya top 1

Andrea, grateful na maraming magagandang babae pero siya top 1
Photo courtesy: Screenshot from ABS-CBN News (YT)

Nahingan ng reaksiyon at komento si Kapamilya star Andrea Brillantes kung anong pakiramdam niya nang siya ang tanghaling number 1 sa Top 100 "Most Beautiful Face" na isinagawa ng TC Candler at The Independent Critics sa ibang bansa, noong 2024.

Bukod kay Andrea, anim pa sa Filipina celebrities ang pasok sa top 100 gaya nina Liza Soberano (31st), Janine Gutierrez (28th), Belle Mariano (52nd), Ivana Alawi (69th), Filipina K-pop idol Gehlee ng UNIS (82nd) at BINI Aiah Arceta (88th).

MAKI-BALITA: Andrea tinalbugan lahat, may pinakamagandang mukha ngayong 2024

Sa panayam ng ABS-CBN News kay Blythe matapos ang Star Magic Spotlight presscon, sinabi niyang "full of gratitude" daw siya sa pagkakapili sa kaniya, dahil sa dinami-rami raw ng magagandang babae sa buong mundo, siya raw ang napiling mag-number 1.

Tsika at Intriga

Andrea, aminadong may mga 'nagpaparamdam' manligaw pero nililigwak

"Siyempre I'm full of gratitude, I'm very honored na sa daming magagandang babae, napili akong maging top 1. 'Yon lang, I'm just... wala akong ibang masabi kundi thank you," giit pa niya.

Saad pa ni Andrea, bagama't sinasabing maganda siya ay may mga araw ding pakiramdam niya ay hindi siya maganda at may mga insecurities din.

"Pero it's all about perspective eh, it's all about your mindset talaga na worth it ba na maging insecure ako over this thing, worth it ba na mag-depend ako sa mood ko na maging insecure ako o masisira na 'yong buong araw ko. Pero yes, normal lang na mainsecure. Normal na may good taste at bad taste ka," aniya pa.