Inilipat daw mula pampubliko patungong pribadong ospital si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy na na-diagnose umanong may pneumonia.
Sa ulat ng ABS-CBN News nitong Martes, Enero 21, kinumpirma umano ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang nasabing impormasyon sa parehong petsang binanggit.
Ayon pa kay BJMP spokesman Jayrex Bustinera, una na raw dinala si Quiboloy sa Rizal Medical Center noong Sabado, Enero 18.
Pero dahil umano sa limitadong pasilidad, inirekomenda raw ng mga doktor na ilipat ang pastor sa gusto nitong ospital.
Matatandaang dinala na rin sa ospital si Quiboloy noong Nobyembre 2024 dahil umano sa “irregular heartbeat” nito na maaaring ituring na “life threatening.”
MAKI-BALITA: Apollo Quiboloy, dinala sa ospital dahil sa ‘irregular heartbeat’ – PNP