January 19, 2025

Home FEATURES Human-Interest

Netizen na nabaon sa utang, naadik sa sugal: 'Don't ever try gambling!'

Netizen na nabaon sa utang, naadik sa sugal: 'Don't ever try gambling!'
Photo courtesy: Pexels

Tila may payo ang isang netizen na aminadong nalulong sa bisyo ng online gambling na naging dahilan para magkabaon-baon siya sa utang.

Sa Facebook page na "PESO SENSE," napa-react ang mga netizen sa ibinahaging kuwento ng anonymous sender tungkol sa kaniyang pinagdaanan sa online gambling.

Una raw niyang nalaman ang tungkol sa pagsusugal ng dahil sa kaniyang boyfriend. Noong una, mga maliliit na taya lang daw ang ginagawa niya hanggang sa lumaki ito nang lumaki dahil sa paminsan-minsang malalaking panalo.

"I'm in debt now because I got addicted to online gambling. Boyfriend ko ang nag-introduce saakin ng online sugal last May 2024. Noong una 10-20 pesos lang ang pinapanglaro ko. Minsan nananalo pero madalas talo. Tuloy pa rin ako sa paglaro hanggang sa naging greedy na ako at di na nakokontento sa kaonting panalo. Nagtaas ako ng cash in which is 100 pesos. Habang tumatagal mas nalululong ako," aniya.

Human-Interest

Kilalanin si Engr. Niele Shem Bañas, top 1 sa dalawang magkaibang board exams!

"Hindi ko na namamalayan na mas malaki na yung talo ko kaysa sa panalo. Last November 2024, kinompute ko ang lahat ng talo ko & umabot yun ng 10k+. Sabi ko sa sarili ko tama na kasi sayang lang yung pera. Sadly mas lumala ang pagkaadik ko. November 2024-January 2025, malaki ang naipatalo ko. Yung dati na dyes o bente na cash in naging 1,000-2,000 na. Natatalo ako ng 2,000-5,000 sa isang araw."

Hanggang sa natuto na raw siyang umutang sa loan applications. Naging tila "routine" na raw sa kaniya ang pangungutang, pagbabayad, pagsusugal, pagkatalo, at pagkatapos ay mangungutang ulit.

"Natuto na ako mangutang sa loan apps na di ko naman ginagawa dati. Yung inutang ko sa loan, ipinapanglaro ko ulit. Ganon ang naging routine ko. Maglalaro, matatalo, mai-stress, mangungutang, maglalaro, matatalo at mangungutang ulit. In a span of two months sa tingin ko nasa 30,000+ ang naipatalo ko sa sugal. Wala akong mapagsabihan na nalulong ako sa masamang bisyo. Nakakahiya."

Kaya narealize niya, "Indeed nasa huli ang pagsisisi. Kung iisipin yung 40k+ na naipatalo ko malaking pera na yun para sa katulad ko na working student. Nakakalungkot isipin na lahat ng pinagpaguran ko sa pagtitinda eh nawala na parang bula. Sana binili ko na lang yun ng mga gamit, ibinigay sa mga magulang kasu wala na. Kaya I suggest guys na wag na wag nyo ita-try na maglaro ng sugal. Promise masisira ang buhay ninyo. Sa una lang kayo nyan papapalanunin, sa huli ikaw ang malulugi dahil naubos ang pera mo naging miserable pa buhay mo."

Dagdag pa niya, "Sa ngayon gusto kong ayusin ang buhay ko. May utang ako na nasa 38,000 na payable in 4 months. Sana makayanan ko 'to. Para sa mga katulad ko na naadik sa sugal at pinipilit na bumangon kaya natin 'toooo. Sa mga patuloy na naglalaro, itigil nyo na yan. Wala tayong mapapala sa pagsusugal. Magdudusa lang tayo sa huli."

Paglilinaw naman ng anonymous sender na may naitabi naman siyang ipon na hindi naman niya nagalaw sa paglalaro. Pagdating naman sa loans niya, pagtatrabahuhan daw niya ito.

Kaya payo niya sa lahat, na nagsilbing pamagat na rin ng kaniyang post, "DON'T EVER TRY GAMBLING!'

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"I don’t really like into gambling, I mean I can play tong its but I have limit. Mga friends ko dito lagi nag aya ng casino or bingo sa casino and I say no kasi di ako nag eenjoy mga ganyan. You will win 3x but you will lose 15x, I view it just a waste of money. Ang amount na isugal ko, mas isesend ko pa pang Pinas pra mabili ng rice nila Mama at mga kapatid ko."

"Of course nakaprogram ang mga apps na yan para magkapera sila, so big no. Hindi sila gagawa ng apps na yan kung sila ang matatalo. Dont ever use it."

"For me kaya nga tinawag na bisyo kasi walang magandang maidudulot sa atin yun like sugal, alak, droga, inom etc. But good for you at maaga kang nagising. Sa una lang mahirap tigilan but with determination, malalampasan mo rin yan."

"I tried SCRATCH ba yun, Bastia yung nilalaro sa gcash, someone introduced it to me and nawalan ako ng P300. Sa inis and hinayang ko never ko na inulit. Point is, its ok kung subukan mo yan. Whats not ok is if you do not have the control to stop yourself from drowning because of it."

"Dati nag oonline gambling din aq pero d nman umabot sa pagkaadik.. Inistop ko na... Kc Mahirap tlgang maadik sa sugal... Ikaw ang lugi at talo..... Kaya sna laging iicpn ang consequences bago mag start magsugal..."

"self control lang ang dapat mong gawin, sana maawa ka sa sarili mo dahil sa huli ikaw pa rin ang talo.Maaga pa pwede mo pang baguhin ang paging adik mo sa sugal.Cguro nman bukas na ang diwa mo sa pag babago dahil sayang ang pera sayang ang pagod mo na napupunta sa wala.E savings mo na lang sana ang pera na pinupusta mo.Kaawaan mo ang sarili dahil ikaw at ikaw din ang mag sa suffer sa huli.desiplinahin at mahalin ang sariling pinaghirapan."

Matatandaang ganito rin ang payo ng social media personality at dating contestant ng "Miss Q&A" sa noontime show na "It's Showtime" na si Lars Pacheco. 

Sa kaniyang social media video statement na may pamagat na "How I lost 5 million in Online Gambling" noong Oktubre 2024, isinalaysay ni Lars kung paano niya natuklasan ang paglalaro ng iba't ibang online gambling, na noong una raw ay talagang nagbibigay-kasiyahan sa kaniya lalo na kapag nakakatikim ng panalo.

MAKI-BALITA: Lars Pacheco naadik sa online sugal, nalustayan ng ₱5M

Ikaw Ka-Balita, anong hugot mo rito?