January 12, 2025

Home BALITA National

Magnitude 4.2 na lindol, tumama sa Eastern Samar

Magnitude 4.2 na lindol, tumama sa Eastern Samar
Courtesy: Phivolcs/FB

Isang magnitude 4.2 na lindol ang tumama sa probinsya ng Eastern Samar nitong Linggo ng madaling araw, Enero 12, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 4:31 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 50 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng San Julian, Eastern Samar, na may lalim na 9 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

VP Sara, nagsimba sa Pangasinan: ‘Lagi nating pinagdarasal kapayapaan sa ating bayan’

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.