Tinutulak na lamang ngayon ang andas ng Jesus Nazareno patungo sa ilan pang mga kalye sa Maynila.
Ayon sa Nazareno Operation Center, naputol na ang mga lubid na humihila rito.
Unang naputol ang lubid kaninang umaga nang tumawid ang andas sa Finance Road patungo sa Ayala Blvd. Sumunod naman ay nang dumaan ito sa San Sebastian para sa tradisyunal na "Dungaw" bandang 5:48 ng hapon.
Samantala, ayon sa Manila Police District (MPD), dalawa hanggang tatlong oras pa ang inaasahang aabutin bago makarating ang andas sa Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno o Quiapo Church.