Naghamon ang Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino o Tanggol Wika sa Department of Education (DepEd) matapos umugong ang bulung-bulungang tuluyan na umanong lulusawin ang Filipino sa senior high school.
Sa latest episode ng Tanggol Wika nitong Martes, Enero 7, inusisa nila ang DepEd sa ngalan ng kalihim nitong si dating senador Sonny Angara.
“Dear DepEd Philippines at Sec. Sonny Angara, totoo po ba na tinanggal na ninyo ang required Filipino subjects sa borador ng bagong senior high school curriculum?” saad ng Tanggol Wika.
Kaya hamon ng grupo, “Kung hindi totoo ang balita, sana ay ilabas na lang ninyo agad ang draft curriculum para magkaalaman na. Kung totoo na tinanggal ninyo, dapat ay ibalik.
Sa huli, nakiusap sila ng dayalogo at pakinggan ang mga totoong eksperto.
Matatandaang nauna na silang nagbigay ng pahayag tungkol dito kasunod ng paglalatag ng ilang punto kung bakit kinakailangan itong tutulan.
MAKI-BALITA: Asignaturang Filipino sa SHS binabalak alisin, bawasan?