Totoo nga ba talagang engaged na ang love team na sina Heaven Peralejo at Marco Gallo?
Matatandaang nagsimula ang intrigang ito nang mapansin ng mga netizen na “fiance” ang nickname ni Heaven sa cellphone ni Marco.
MAKI-BALITA: Marco Gallo, Heaven Peralejo engaged na nga ba?
Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Linggo, Enero 5, itsinika ni showbiz insider Ogie Diaz na tinanong daw niya si Heaven tungkol sa real-score nila ng kaniyang ka-loveteam.
“Nakausap ko si Heaven Peralejo at tinanong ko siya kung engaged na ba sila ni Marco Gallo. [...] Sabi niya, ‘not true, Tito.’ Hayaan mo, ikaw ang unang-unang sasabihan ko kung ikakasal na kami,’” lahad ni Ogie.
Pero tanong ng co-host niyang si Mama Loi, “E, Nay, bakit fiance ‘yong pangalan?”
“Term of endearment lang nila ‘yon,” sagot ng showbiz insider.
Sa kasalukuyan, wala pa ring kumpirmasyong nanggagaling kina Marco at Heaven kung magkarelasyon na nga ba talaga sila.
Ngunit matatandaang ilang beses nang ibinalandra ng dalawa sa social media ang kasweetan nila sa isa’t isa na tila pahiwatig na higIt pa ang turingan nila sa pagkakaibigan.
Sabi nga ni Ogie, “aarte pa ba naman? Siyempre ang tawagan nila gano’n na.”
MAKI-BALITA: Marco ibinalandra sweetness kay Heaven: 'Love looks good on us!'
MAKI-BALITA: Heaven at Marco, nilanggam sa IG: ‘Amidst all the chaos, you’re my calm’