January 22, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Boy Abunda sa hiwalayang JakBie: 'Masakit ito'

Boy Abunda sa hiwalayang JakBie: 'Masakit ito'
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Network (YT), Barbie Forteza (IG)

Nagbigay ng reaksiyon si “Asia’s King of Talk” Boy Abunda sa hiwalayan ng celebrity couple na sina Jak Roberto at Barbie Forteza.

Sa isang episode ng “Fast Talk” noong Biyernes, Enero 3, sinabi ni Boy na masakit ang bawat pamamaalam lalo na kung ito ay tungkol sa romantikong relasyon.

Ayon sa kaniya, “Seven years is a long time. Masakit ito. Pero ang nakakabilib po…pinili ni Barbie in that statement ‘na ang aalalahanin ko ay ‘yong magagandang bagay.’” 

“She’s coming from the place of love. Hindi lang nag-work pero masakit man but there were seven wonderful years. ‘I became who I am today because of you; because of that relationship,’” dugtong pa niya.

Relasyon at Hiwalayan

May nabalitaan kay 'Cheater,' pasabog ni Ai Ai: 'Take note si mistress ay Pilipina!'

Sa ngayon, gusto raw muna ni Boy na irespeto ang privacy ng ex-celebrity couple. 

Kaya mungkahi niya, sa halip na bumuo ng mga espekulasyon, ipanalangin na lang daw sana ng publiko na maging maayos ang dalawa.

Matatandaang halos kapapasok pa lang ng 2025 nang yanigin ang social media dahil sa balitang hiwalay na sina Jak at Barbie matapos ang pitong taon nilang relasyon.

MAKI-BALITA: Matapos 7 taon: Barbie Forteza, Jak Roberto break na!