Proud misis ang aktres na si Jennylyn Mercado sa asawa niyang si Dennis Trillo na nagwaging Best Actor sa katatapos lang na 2024 Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal.
Sa latest Instagram post ni Jennylyn nitong Sabado, Disyembre 28, binati niya ang mister para sa naiuwi nitong tagumpay.
“Congratulations, mahal ko! @dennistrillo I'm so proud of you! You are really phenomenal and I will forever be your biggest fan. I love you, our Best Actor! ” saad ni Jennylyn.
Matatandaaang kasama si Jennylyn sa mga pinasalamatan ni Dennis nang magbigay siya ng talumpati matapos igawad sa kaniya ang parangal.
“Sa aking number one supporter, nando’n po ang aking asawa, si Jennylyn Mercado, maraming salamat. Iniaalay ko ang award na ‘to sa aking pamilya,” aniya.
Ginampanan ni Dennis ang karakter ni Domingo Zamora sa “Green Bones” na nakasungkit ng “Best Picture” at “Best Screenplay” sa nasabing awarding ceremony.
Samantala, ginawaran naman bilang Best Supporting Actor si Ruru Madrid, at Best Child Performer si Sienna Stevens na pawang nagsiganap sa naturang pelikula.
MAKI-BALITA: Ruru Madrid, 'di ite-take for granted ang 'Best Supporting Actor' award
MAKI-BALITA: Listahan ng mga nagwagi sa 2024 MMFF Gabi ng Parangal