Naglabas ng mas pinasimpleng requirements ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para maging benepisyaryo ng Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP).
Sa inilabas na press release ng DSWD nitong Huwebes, Disyembre 19, 2024, naglapag ng listahan ang nasabing ahensya para sa mga dokumentong maaaring isumite upang maging karapat-dapat na maging benepisyaryo ng AKAP ang isang indibidwal.
“The MC (Memorandum Circular) makes the program’s implementation more inclusive to cover those engaged in both the formal and informal economy,” ani DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao sa naturang press release.
Batay sa inilabas na guidelines ng DSWD, nakabase ang mga kaukulang dokumentong kailangang maipasa ng bawat aplikante ng AKAP kapag ang mga ito ay nagmula sa “formal” at “informal” economy.
Para sa mga mamamayang minimum wage earners o low-income earners ngunit nasa ilalim ng formal economy, narito ang ilang mga dokumentong kailangan nilang maipasa:
Duly signed Contract of Employment
Certificate of Employment with Compensation (COE)
Income Tax Return (ITR) or BIR Form 2316
Duly signed Audited Financial Statement, or a Certificate of Tax Exemption
Para naman sa mamamayang nasa ilalim ng informal economy:
Certification from a direct employer
Certification from government offices recognizing certain sectors or groups
Association certification
Business permit or barangay certification in case of small business
Matatandaang naunang ilunsad sa buong bansa ang AKAP noong Mayo 18 na naglalayon umanong tugunan ang pangangailangan ng mga Pilipinong minimum wage earners kasunod ng patuloy daw na pagtaas ng inflation sa Pilipinas.
KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Ano nga ba ang AKAP at sino ang mga benepisyaryo nito?