December 22, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

BINI Jhoanna, umaming may manliligaw!

BINI Jhoanna, umaming may manliligaw!
Photo Courtesy: BINI Jhoanna (IG)

Tila napaamin ni Kapamilya broadcast-journalist Bernadette Sembrano ang leader ng BINI na si Jhoanna Robles tungkol sa manliligaw nito.

Sa latest episode kasi ng vlog ni Bernadette kamakailan, nahagip sa pag-uusap nila ni Jhoanna ang buhay pag-ibig ng nasabing Nation’s female group.

“Alam ko, wala daw love life ang mga BINI,” sabi ni Bernadette. 

“Wala po,” pangungumpirma ni Jhoanna.”Kasi sa dami talaga ng ginagawa po ngayon, parang wala talagang time.” 

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Pero aminado naman si Jhoanna na bago raw mabuo ang kanilang grupo, may mga miyembro daw na nagkaroon ng jowa. 

“Nagkaro’n po. Before BINI, may mga nagkaro’n naman ng love life sa ‘min, pero kailangan mo talagang mamili po,” wika niya.

Dagdag pa niya, “Ayaw mo naman maging unfair kung sino man magiging partner mo. Ayaw mong maging unfair sa kaniya sa time, sa effort, kasi ‘yon ‘yong hindi mo mabibigay kapag BINI ka, e.

Maliban na lang daw siguro kung kaya talagang pagsabayin ayon kay Jhoanna. Pero sa kaso niya, gusto raw niyang nasa piling siya ng kaniyang pamilya kapag rest day. 

Saad tuloy ni Bernadette, “E kung love niya rin ‘yong family mo, edi dual time ’di ba?” 

“Po?” natatawang sabi ni Jhoanna. 

“Meron akong nahi-hit… So mayro’ng nanliligaw sa ‘yo, feeling ko?” tanong pa ng broadcast-journalist.

“Mayro’n naman po,” pag-amin ni Jhonna. “Pero hindi lang po talaga priority.” 

Kaya naman sa ngayon, hintay-hintay na lang muna ang mga naniningalang-pugad sa leader ng BINI.