January 22, 2025

Home BALITA

PBBM may hiling sa Pasko: 'Every Filipino must feel Christmas'

PBBM may hiling sa Pasko: 'Every Filipino must feel Christmas'
Photo courtesy: RTVM/Facebook

Naniniwala si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na hindi raw dapat mawala ang diwa ng kapaskuhan sa mga Pilipino sa kabila ng mga kalamidad na hinarap ng bansa mula sa mga magkakasunod na bagyong naminsala.

Sa kaniyang talumpati sa pagpapasinaya ng Christmas Tree lighting sa Malacañang noong Disyembre 1, 2024, sinabi niyang wala raw dapat makapag-alis ng selebrasyon ng Pasko sa bawat Pilipino. 

“No matter how many typhoons, no matter how many problems they throw at us… There is nothing that will quench the Christmas spirit in a Filipino’s heart,” ani PBBM. 

Dagdag pa niya, mainam daw na isantabi muna ang anumang suliraning hinaharap ng bawat isa upang mas maramdaman ang selebrasyon ng Pasko. 

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“The trials and tribulations we faced in the year, just put them to one side for a little bit and enjoy the benefits of family that come during Christmas,” anang Pangulo. 

Kaugnay ng kaniyang mensahe, ibinahagi rin ng Pangulo ang kaniya raw hiling para sa darating na Pasko.

“As for my Christmas wish… Every Filipino must feel Christmas,” saad ni PBBM.

Matatandaang kamakailan naman nang bisitahin ng Pangulo ang mga residenteng naapektuhan ng malawakang sunog sa Isla Puting Bato sa Tondo, Maynila kung saan iginiit niyang nakahanda rin daw siyang mag-Pasko sa evacuation center kapag hindi raw naisaayos ng pamahalaan ang tirahan ng tinatayang 2,000 apektadong pamilya. 

KAUGNAY NA BALITA: PBBM, magpa-Pasko sa evacuation center 'pag 'di agad naitayo mga bahay sa Isla Puting Bato?

Samantala, bukas naman ang Palasyo sa publiko mula sa Disyembre 16 hanggang 24, para daw pagsasagawa ng Simbang Gabi, na may handog ding libreng carnival rides. 

KAUGNAY NA BALITA: First Family, pinangunahan Christmas Tree lighting sa Malacañang