January 22, 2025

Home FEATURES Trending

Kinaaaliwang 'Suspect Challenge' sa socmed, paano nagsimula?

Kinaaaliwang 'Suspect Challenge' sa socmed, paano nagsimula?
Photo courtesy: Screenshot from GMA Network (FB)

Isang bagong TikTok trend na kilala bilang " Suspect Challenge" ang kasalukuyang nagpapasaya at nagpapatawa sa maraming netizens sa buong mundo.

Sa challenge na ito, nagpapanggap ang isang tao na tumatakbo bilang "suspect" habang kinukuhanan ng video ng isang "police broadcaster," na bumabato ng nakakatawang banat o "roast" tungkol sa runner.

Ang viral na trend ay naging paraan upang magbiruan ang mga magkakaibigan, mag-asawa, at magkakapatid. Nagsimula raw ang pagkauso ng challenge nito noong unang linggo ng Nobyembre sa ibang bansa.

Bagama’t hindi malinaw kung sino ang orihinal na nagpasimula ng challenge, naging popular ito sa TikTok nitong nakaraang buwan, na nagpapakita ng pagiging malikhain ng mga gumagamit sa platform.

Trending

Tikiman time! Kakasa ka bang kainin ang Pomegranate?

Kumasa na rin ang ilang mga artista at celebrity sa challenge na ito gaya na lamang ng “Widow's War” casts at iba pang mga vloggers.

Pinatunayan nito na ang simpleng biro ay maaaring maging daan upang maghatid ng saya at pagtutulungan sa social media.

Mariah Ang