January 23, 2025

Home BALITA

Ilang lugar sa Bicol region muling binaha!

Ilang lugar sa Bicol region muling binaha!
Photo courtesy: 91.5 Brigada News FM Legazpi City/Facebook

Nakararanas ng pagbaha sa iba’t ibang lugar sa Bicol region nitong Linggo, Disyembre 1, 2024 matapos ang walang tigil na pag-ulan sa naturang rehiyon.

Ayon sa huling ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Linggo, 11:00 ng umaga, Disyembre 1, 2024, nakataas sa heavy rainfall warning ang buong Bicol region dahil sa shearline. 

Samantala, maaga na ring nag-anunsyo ng suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa buong Albay sa darating na Lunes, Disyembre 2, alinsunod sa utos ni Acting Gov. Glenda Ong-Bongao.

Sa Manito, Albay, bahagyang nakaranas ng landslide ang bahagi ng Barangay It-ba na sinabayan ng mabilis na pagtaas at pagragasa ng tubig sa ilog na siya ring bumabaybay sa mga lugar ng Marigong, Bonga at Pawa.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon sa ulat ng 91.5 Brigada News FM Legazpi City nitong Disyembre 1, nagkaroon rin ng pagguho ng lupa sa Brgy, Baraguis sa Albay. 

Umabot naman hanggang dibdib ang baha sa Brgy. Bulabog, Sorsogon City kung kaya’t napilitan ang ilang residente na humawak sa lubid habang lumilikas. Ilang bahay at paaralan na rin ang pinasok umano ng baha sa Gimalato sa lalawigan pa rin ng Sorsogon City.

Kinailangan na ring gamitin ng rescue boat ang baha sa Cabusao, Camarines Sur, ilang bahayan na rin ang pinasok ng baha sa bayan ng Garchitorena, Tinambac, Ragay at Lagonoy sa naturang lalawigan.

Sa kasalukuyan ay wala namang namamataan ang PAGASA na anumang low pressure area (LPA) o bagyo sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).