December 23, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Anthony aminadong may 'pagkukulang' sa ex-jowa; may request din

Anthony aminadong may 'pagkukulang' sa ex-jowa; may request din
Photo courtesy: Jam Villanueva, Anthony Jennings (IG) via Balita

Inamin na mismo ni "Incognito" cast member Anthony Jennings na totoo ang mga kumakalat na tsikang hiwalay na sila ng kaniyang non-showbiz girlfriend na si Jam Villanueva.

Nakorner ng ilang media people si Anthony sa media conference ng pinakabagong action series nila nina Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Baron Geisler, Maris Racal, Kaila Estrada, at ang nagbabalik-seryeng si Daniel Padilla.

Inamin nga mismo ni Anthony na wala na sila ng kaniyang ex. Aniya pa, ilang buwan na rin ang nakalipas nang maghiwalay sila, at hangga't maaari daw ay isinapribado at ginawang personal ng aktor ang tungkol dito.

May request din si Jennings na huwag na sanang guluhin pa ang pribadong buhay ng kaniyang ex dahil hindi naman daw siya artista.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Inamin din ng aktor na siya raw ay may pagkukulang sa kanilang relasyon, kaya siya raw ang mag-aayos nito.

"Problema ko 'yon, dapat ko 'yong ayusin mag-isa," ani Anthony.

At pagdating naman sa isyu ng umano'y pagkakadawit ng kaniyang katambal na si Maris Racal, sinabi ni Anthony na magkaibigan lang daw sila ng aktres.

Matatandaang noong Nobyembre 2 ay naging usap-usapan ang naging cryptic posts ni Jam tungkol sa kaniyang "ex" at sa "workmate nito.

Samantala, inamin naman ni Maris na hiwalay na sila ng kaniyang ex-boyfriend na si Rivermaya lead vocalist Rico Blanco.

MAKI-BALITA: Anthony umaming hiwalay na sa jowa, may iginiit tungkol kay Maris