December 27, 2024

Home BALITA National

VP Sara, itinuturing na ‘mastermind’ sa assassination plot vs PBBM – DOJ

VP Sara, itinuturing na ‘mastermind’ sa assassination plot vs PBBM – DOJ
VP Sara Duterte, DOJ at Pres. Bongbong Marcos (Facebook; file photo)

Itinuturing ng Department of Justice (DOJ) si Vice President Sara Duterte na “mastermind” umano sa assassination plot laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa isinagawang Palace press briefing nitong Lunes, Nobyembre 25, sinabi ni DOJ Usec. Jesse Andres na mag-iisyu na ang National Bureau of Investigation (NBI) ng subpoena kay Duterte dahil sa naging pahayag nitong ipapapatay si Marcos kung napatay siya.

“The premeditated plot to assassinate the President as declared by the self-confessed mastermind will now face legal consequences,” ani Andres.

“We are tapping our law enforcement agents to investigate on the whereabouts and the identity of this person or persons who may be plotting against the president,” saad pa niya.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Matatandaang noong Sabado ng madaling araw, Nobyembre 23, nang sabihin ni Duterte na mayroon na raw siyang napagbilinang indibidwal na kung pinatay raw siya, papatayin naman umano nito si Marcos, at maging sina First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez.

MAKI-BALITA: VP Sara, may binilinan na raw: ‘Kapag pinatay ako, patayin mo si PBBM, FL Liza, Romualdez!

Pinalagan na rin ito ng pangulo nitong Lunes ay sinabing hindi umano dapat palampasin ang nasabing “death threats” sa kaniya ng bise presidente.

MAKI-BALITA: PBBM sa 'death threats' ni VP Sara sa kaniya: 'Yan ay aking papalagan!'

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara ipapa-subpoena ng NBI at DOJ; posible raw makasuhan