November 25, 2024

Home BALITA

DepEd, isinusulong ang kahalagahan ng rights-based education

DepEd, isinusulong ang kahalagahan ng rights-based education

Ibinahagi ng Department of Education (DepEd) ang mahahalagang kaalaman tungkol sa karapatan at kahalagahan ng mga bata sa lipunan o ang rights-based education.

Sa Facebook post ng DepEd Philippines nitong Biyernes, Nobyembre 22, binigyang-pansin nila ang pagpapahalaga at pagbabahagi ng kaalaman patungkol sa mga karapatang dapat tinatamasa ng isang bata sa mundo alinsunod ngayong National Children's Month.

Karapatan sa Buhay. May karapatang mabuhay at mapaunlad ang sarili at mga kakayahan.

Karapatan sa Kaligtasan. May karapatang maging ligtas at malayo sa anumang panganib o karahasan.

'Goodluck sa puksaan!' Jesus Falcis, sinagot kung kailan sasali sa 'bardagulan' mga Kakampink

Karapatan sa Edukasyon. Karapatang makapag-aral para matutuhan ang mga kakayahan para sa magandang kinabukasan.

Karapatan sa Pagmamahal at Respeto. Karapatang mahalin, igalang at maging bahagi ng isang pamilya at komunidad. 

Ang rights-based education sa Pilipinas ay nagsimulang isulong noong 1987 kasabay ng pagpapatibay ng Konstitusyon, na nag-aatas sa mga paaralan na ituro ang karapatang pantao, nasyonalismo, at pagmamahal sa bayan ito ay nakasaad sa 1987 Philippine Constitution Artikulo XIV, Seksyon 3 (2). 

Pinagtibay din ito ng mga batas tulad ng Republic Act No. 9201, na nagtatag ng National Human Rights Consciousness Week upang itaguyod ang kultura ng karapatang pantao at inklusibong edukasyon para sa lahat.

Mariah Ang