November 22, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Bo Sanchez 'inaresto' nga ba ng mga awtoridad?

Bo Sanchez 'inaresto' nga ba ng mga awtoridad?

Kumakalat ang isang social media post na dinakip daw ng mga pulis ang inspirational speaker, book author, at entrepreneur na si Bro. Bo Sanchez.

Makikita sa social media post si Bo na nakasuot ng orange shirt at ineeskortan ng dalawang pulis. Makikita sa mukha ni Bo ang pandidilat ng mga mata.

Ang larawan ay tila ginamit na feature image ng isang news article na umano'y mula sa ABS-CBN News.

Mababasa sa post ng nag-share ng news article, "The allegation against Bo Sanchez have been confirmed."

Tsika at Intriga

Negosasyon sa renewal ng It's Showtime sa GMA, pinoproseso na!

Matutunghayan naman sa headline ng news article, "BO SANCHEZ DIDN'T KNOW THE MICROPHONE WAS ON, WE SAY GOODBYE TO HIM FOREVER."

"THIS IS A SAD DAY FOR ALL THE PHILIPPINES," dagdag pa.

Ibinahagi mismo ni Bo sa kaniyang Instagram post ang screenshot na ito at pinabulaanan ang pekeng post/balitang ito.

Idinaan na lamang ni Bo sa biro ang pagkalat ng fake news na ito.

"This post, now going around,makes me realize a few very important things about life..." aniya.

"1. I look good in orange."

"2. So that's how I look like if I gain 40 pounds. Puede! "

"3. If they were photoshoping me anyway, why didn't they blur out my wrinkles? And edit my extra-large nose to make it a little smaller? These people are so heartless."

"4. I really want to know what I said in the microphone. But when you click on their link, there's no article. Sayang.

So I thought of a possible controversial thing I could have said..."

"--'I want to shift my career. Maybe I can be a ramp model of underwear? Sayang naman Yung sexy body ko."

"This fake news made me happy. Biruin mo? The scammer chose me? Who am I? It means only one thing: Sikat na ako!"

"I can now run for baranggay captain!" pahabol pa ni Bo.

Pati ang mga sikat na personalidad gaya nina Ogie Alcasid, Karen Davila, Giselle Sanchez, Candy Pangilinan, at iba pa ay napakomento rin dito.

Hindi lamang si Bo ang nabiktima ng ganitong klaseng fake news kundi maging ang inspirational speaker, financial expert, at book author din na si Chinkee Tan.

MAKI-BALITA: Chinkee Tan, nagsalita sa isyung nakulong siya dahil sa crypto scam