Nagbitiw si Direk Mark Reyes bilang direktor ng upcoming fantasy-magical series ng GMA Network na “Encantadia Chronicles: Sang’gre.”
Sa inilabas umanong pahayag ni Mark kamakailan, kinumpirma niya ang kaniyang pagbibitiw at sinabing itutuon ang sarili sa iba pa niyang trabaho.
Ayon sa direktor, "I am confirming that I have resigned from my duties as director of Sanggre. At this time, I will be focusing on my other work commitments set for 2025 which will need my utmost attention.
“Like all situations of this kind, it's a complicated matter and I believe that it is best for everyone involved to honor the Encantadia legacy by moving forward with the production,” dugtong pa niya.
Sa pagbibitiw ni Mark sa nasabing posisyon, pinalitan siya nina Rico Gutierrez at Enzo Williams bilang bagong direktor ng serye.
“I wish the cast, the staff, Direk Enzo and Direk Rico the best of luck with the remaining work for Sanggre. Avisala Eshma!" pahabol pa niya.
Sinusugan naman ng GMA Entertainment ang pahayag na ito ni Mark sa pamamagitan din ng isang pahayag.
“GMA Entertainment's Sanggre will have new directors Rico Gutierrez and Enzo Williams. Direk Mark Reyes will start on new major projects for 2025 and will bequeath direction of the next Encantadia installment. Sanggre is slated to air on GMA Prime in 2025," anila
Matatandaang nagbahagi pa ang isa sa mga cast member ng “Sang’gre” na si Bianca Umali ng larawan sa kaniyang social media account noong Nobyembre 2023 na tila pahiwatig na nagsisimula na ang taping ng nasabing serye.
MAKI-BALITA: Taping ng ‘Sang’gre’, nagsisimula na