December 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

‘Baby post’ ni Tom Rodriguez, soft launch bang may anak na siya?

‘Baby post’ ni Tom Rodriguez, soft launch bang may anak na siya?
Photo courtesy: Tom Rodriguez (IG)

Usap-usapan ang Instagram stories ng Kapuso actor na si Tom Rodriguez tungkol sa isang larawan ng caricature baby, na tila pinaghehele.

May background music ito na "Feeling so la-la-la" na kinanta ng LeaFie.

Sa ibaba ay mapapansin ang tatlong emoji na may heart.

Photo courtesy: Tom Rodriguez (IG)

Sa isa pang Instagram story, makikita naman ang caricature photo ng isang batang lalaki, na may caption na "Midnight Doodling" sa saliw naman ng "Joy in the Little" ng Mellow.

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

Photo courtesy: Tom Rodriguez (IG)

Kaya tanong sa entertainment website na "Fashion Pulis," kumpirmasyon na nga ba itong isang daddy na si Tom?

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens na mababasa sa ulat ng FP:

"Time is the ultimate truth teller "

"Is he hiding it? Looks like he's telling everyone"

"More than 1yr na sila hiwalay ni Carla so the baby was conceived after the seperation"

"Read sometime ago that his girlfriend in the States was pregnant. He was just quiet about it but not really hiding it."

"good for him. carla and her have been broken up for almost 3 years. he's allowed to move on."

Matatandaang naging alingasngas ang umano'y pagkakaroon niya na raw ng baby sa kaniyang non-showbiz partner na nasa ibang bansa.

Wala pa itong kumpirmasyon mula mismo kay Tom. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.