December 23, 2024

Home SHOWBIZ

Ruru Madrid, lumaki nga ba ang ulo?

Ruru Madrid, lumaki nga ba ang ulo?
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Public Affairs (YT)

Nausisa si Kapuso star Ruru Madrid kung lumaki ba ang ulo niya sa gitna ng katanyagan at tagumpay na nakakamit niya ngayon sa kaniyang karera bilang artista.

Sa latest episode ng “Lutong Bahay” kamakailan, sinabi ni Ruru na hindi naman daw siya yumabang ngunit iniisip daw niyang wala na raw makakapigil pa sa kaniya.

“Hindi yumabang,” saad ni Ruru. “Pero parang wini-win ko na lang ‘yong mga ginagawa ko. Like, parang iniisip ko na wala nang makakapigil sa akin.”

Dagdag pa niya: “Na matutupad ko lahat ng pangarap ko kahit ‘di ko na masyadong galingan ‘yong mga ginagawa ko. Lagi akong gumigimik, lumalabas ako. Hindi ko masyadong sineseryoso ang mga ginagawa ko.”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Sa madaling salita, nakampante raw si Ruru. Pero nang maranasan daw niyang sumadsad ang career niya, bumawi raw siya nang mabigyan ulit ng pagkakataon.

Aniya, “Ito ‘yong iniisip ko na sign, ‘pag hindi nag-work itong ‘Lolong.’ Ibig sabihin, ‘yon na ‘yong end ng career ko.” 

“Kahit mapilay ako, maaksidente ako, anoman ang mangyari sa akin, hindi ako susuko. Basta ang goal ko, maging sucessful ‘tong project,” dugtong pa niya.

At ngayon nga, makalipas ang ilang taon, magkakaroon na ng season 2 ang “Lolong” kung saan makakasama niya ang award-winning actor na si John Arcilla.

MAKI-BALITA: John Arcilla sa tatlong TV Network: 'Di kailangang magpalitan ng masasakit na salita'