October 23, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Gabbi, nahirapang mag-move on kay Ruru

Gabbi, nahirapang mag-move on kay Ruru
Photo Courtesy: Gabbi Garica, Ruru Madrid (FB)

Inamin ng Kapuso actress na si Gabbi Garcia na nahirapan daw siyang mag-move on sa ex-boyfriend niyang si Ruru Madrid.

Sa latest episode kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, Oktubre 21, nausisa si Gabbi tungkol sa nasabing bagay.

Tanong ni Boy: “Guilty or not guilty, nahirapang mag-move on?”

“Guilty,” sagot ni Gabbi.

Relasyon at Hiwalayan

Julia Barretto, Gerald Anderson sinulit ang isa't isa sa El Nido

Pahabol ng host: “Kay Ruru?”

Tila nawindang naman si Gabbi dahil may karugtong pa pala ang tanong. Sabi na lang niya, ‘o, sige. Oo, first love ko, e.”

Matatandaang kamakailan lang ay nag-react ang Kapuso actress nang madawit ang pangalan niya sa “It’s Showtime” nang sabihin ng “Kalokalike” contestant na kahawig ni Ruru siya raw ang pinag-aawayan ng ini-impersonate nito at ng kasalukuyan nitong jowa na si Bianca Umali.

"Nakakaloka lang si Kalokalike," saad ni Gabbi. "Alam mo, feeling ko si Gabby Concepcion talaga 'to. Parang hindi ako 'to.”

Bago pa man dumating si Bianca sa buhay ni Ruru ay naging karelasyon muna nito si Gabbi noong sila ay 16 at 15 anyos pa lamang.

MAKI-BALITA: 'Nakakaloka!' Gabbi, nag-react matapos idawit ng Kalokalike contestant

Samantala, si Gabbi naman ay mayroon nang Khalil Ramos sa buhay niya at pitong taon na rin silang magkarelasyon.

MAKI-BALITA: Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?