Nagbigay ng mensahe si Edith Millare para sa mga basher ng anak niyang si Kapuso Sparkle artist Sandro Muhlach na nakaranas ng umano’y pananamantala sa dalawang independent contractors.
Sa latest episode ng “TicTALK with Aster Amoyo” nitong Biyernes, Oktubre 11, sinabi ni Edith sa mga basher ng anak na maging maingat daw sa bawat salitang babanggitin.
“Be mindful. Be mindful of what you say. Ipagdasal n’yo muna. Kasi it couldn’t help someone who has been in a trauma tapos dadagdagan pa ng bashing,” saad ni Edith.
“Parang I think the value of cheering who you love instead of bashing who you hate. [...] Babalik sa inyo, e, lahat ng negativities na pinapasa n’yo sa ibang tao, sa lahat ng tao na hate n’yo,” wika niya.
Dagdag pa ng ina ng young actor: “I don’t think makakabuti sa inyo o sa taong bina-bash n’yo. Sana maintindihan nila ‘yong maliliit na comments, nakakadagdag lang sa trauma ng anak ko.”
Sa isang bahagi kasi ng panayam ay nabanggit ng ina ni Edith na tila may mangilan-ngilan umanong hindi kumbinsido na dumadaan sa matinding trauma si Sandro dahil madalas makitang masaya.
Ayon sa kaniya: “Dahil may mapagmahal siyang pamilya—dalawang pamilya ang nagmamahal sa kaniya—mukha siyang naka-recover. Pero I don’t think so. Kailangan niya ng continous theraphy.”
MAKI-BALITA: Sandro, 'di pa rin daw nakaka-recover sa nangyaring sexual harassment
Sa kasalukuyan, gumugulong pa rin ang kaso ni Sandro laban sa dalawang independent contractors ng GMA Network na sina Richard Cruz at Jojo Nones.
MAKI-BALITA: Richard Cruz, Jojo Nones itinatanggi pa rin bintang ni Sandro Muhlach
Nagsimula ito nang maglabas ng blind item ang Philippine Entertainment Portal (PEP) tungkol sa baguhang aktor na ginawang “midnight snack” umano ng dalawang TV executives.
MAKI-BALITA: Baguhang aktor, pinagsamantalahan ng dalawang TV executives?