Aprub kay Mamamayang Liberal (ML) Party-list Rep. Atty. Leila de Lima ang panukala hinggil sa suspensyon ng “excise tax” para sa mga produktong petrolyo, at ang pagbibigay ng awtoridad kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na agaran itong ikasa.
Kaugnay ito sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, bunga ng walang-tigil na tensyon sa pagitan ng mga bansang nasa rehiyon ng Gitnang Silangan.
Sa ibinahaging Facebook post ni De Lima noong Miyerkules, Marso 11, iginiit niya ang posibleng kahihinatnan ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa ekonomiya ng Pilipinas.
“We fully support this crucial measure granting the President the authority to suspend or reduce the excise tax on petroleum products,” saad ni De Lima sa kaniyang pahayag.
Aniya, “Kung magtutuloy-tuloy ang nakakalulang pagtaas ng presyo ng gasolina, katakot-takot na dusa ang idudulot nito sa ating ekonomiya, lalo na sa mga bulnerableng sektor.”
“Farmers, fisherfolk, public transport drivers, and small businesses are now experiencing increased operational costs, while consumers face higher prices for goods and services, particularly food and transportation. Agricultural groups have warned that sustained increases in oil prices could significantly raise the cost of food production and exacerbate the country’s food security challenges if adequate government interventions are not implemented,” dagdag pa niya.
Giit pa niya, ito raw ang dahilan kung bakit nais nila ring ipanukala ang “Fuel Subsidy Program,” upang tulungan ang mga sektor na labis na apektado ng nasabing krisis.
“Extraordinary times need extraordinary measures. That is why, we are also pushing for the institutionalization of a Fuel Subsidy Program to provide monthly cash assistance for our farmers, fisherfolk, PUV drivers, and other low-income sectors,” aniya.
“Aside from this comprehensive fuel subsidy and suspending the excise tax to lessen the burden on our countrymen, we are also urging Congress to explore and look into the impact of suspending the VAT on petroleum products to help stabilize prices,” dagdag pa niya.
Anang mambabatas, ganito raw ang mga batas na nararapat na ipasa para maisaayos ang buhay ng taumbayan.
“Ganitong mga batas ang dapat nating niraratsada para agaran na ring mapagaan ang pasanin ng ating mga kababayan,” anang mambabatas.
“Kasabay ng panalangin natin na matigil na ang sigalot sa Gitnang Silangan at matiyak ang kaligtasan ng ating mga OFWs na naiipit sa kaguluhan, tungkulin ng gobyerno na tulungan ang mga kapwa natin na unti-unti na ring pinapatay ang kabuhayan ng mataas na presyo ng langis. Ibigay na natin ang kaya nang ibigay, at huwag na itong patagalin para sa kapakinabangan ng ating mga kababayan,” pagtatapos niya.
Matatandaang humiling kamakailan si PBBM ng “emergency powers” sa Kongreso upang tapyasan ang kaukulang buwis sa mga produktong petrolyo.
MAKI-BALITA: PBBM, hihiling ng 'emergency powers' sa Kongreso upang bawasan excise tax sa langis-Balita
Ayon naman sa Senado, agad nilang ipa-prayoridad ito—at tiniyak na tutulungan nila ang sangay ng ehekutibo.
MAKI-BALITA: Hiling na 'emergency powers' ni PBBM, ipa-prayoridad ng Senado—SP Sotto-Balita