April 13, 2026

Home BALITA Internasyonal

Iran, inanunsyo pagpalo ng $200 per barrel na langis sa world market

Iran, inanunsyo pagpalo ng $200 per barrel na langis sa world market
Photo courtesy: via AP News

Nagbabala ang pamunuang militar ng Iran na posibleng umabot sa $200 kada bariles ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado kasunod ng patuloy na tensyon at pag-atake sa mga barko sa Gulf.

Ayon sa mga ulat, tatlo pang barko ang napaulat na inatake sa rehiyon habang nananatiling mahigpit ang sitwasyon sa Strait of Hormuz—isang mahalagang ruta kung saan dumaraan ang tinatayang ikalimang bahagi ng suplay ng langis sa buong mundo.

MAKI-BALITA: ALAMIN: Bakit mahalaga ang ‘Strait of Hormuz’ sa bentahan ng langis ng mga bansa?

Noong Miyerkules, Marso 11, 2026, naglunsad din ng mga pag-atake ang Iran laban sa Israel at iba pang target sa Gitnang Silangan, na nagpapakita umano na kaya pa nitong gumanti at makaapekto sa suplay ng enerhiya sa kabila ng matinding pag-atake ng United States at Israel.

Sa kabila nito, bahagyang humupa ang pagtaas ng presyo ng langis at nakabawi ang ilang stock market matapos umasa ang mga mamumuhunan na maaaring makahanap ng mabilis na paraan si Donald Trump, pangulo ng Estados Unidos, upang wakasan ang digmaan na nagsimula halos dalawang linggo na ang nakalilipas.

Internasyonal

Emperor penguin, Antarctic fur seal 'endangered' na—IUCN

Gayunman, nananatiling tensyonado ang sitwasyon sa rehiyon at wala pang indikasyon na ligtas nang makadaan ang mga barko sa Strait of Hormuz.

Babala ni Ebrahim Zolfaqari, tagapagsalita ng military command ng Iran, “Get ready for oil be $200 a barrel, because the oil price depends on regional security which you have destabilized.”

Dagdag pa niya, gaganti rin umano ang Iran sa pamamagitan ng pag-atake sa mga bangkong may ugnayan sa Estados Unidos o Israel matapos tamaan ng airstrike ang isang bangko sa Tehran.

Samantala, sinabi ng militar ng Iran na naglunsad sila ng mga missile laban sa isang base ng US sa Iraq, sa US naval headquarters sa Bahrain, at sa mga target sa gitnang bahagi ng Israel. May mga pagsabog na naiulat sa Bahrain, habang apat na tao naman ang nasugatan matapos bumagsak ang dalawang drone malapit sa paliparan sa Dubai.