April 16, 2026

Home SHOWBIZ

'Thanks for saving a stranger’s life! Kim Atienza at netizen na tila pasuko na sa buhay, nagkita!

'Thanks for saving a stranger’s life! Kim Atienza at netizen na tila pasuko na sa buhay, nagkita!
Photo courtesy: @heyshijey (IG)

Finally, nagkita na pala sina "TiktoClock" host at GMA trivia master Kuya Kim Atienza at binatilyong netizen na may Threads username na "heyshijey" na pinahahanap ng una dahil sa nakababahalang post nito, na tila pasuko na sa buhay.

“Mama, Papa, hindi ko na po kaya. Sorry po,” anang netizen.

Saad naman ni Kuya Kim, “Watch Tiktoclock live next week as my guest? I’ll wait for you ok?”

At batay sa updates nina Kuya Kim at nabanggit na netizen, mukhang nagkita na nga sila.

"Cj was my guest in the show today. He had so much fun," saad ni Kuya Kim.

Relasyon at Hiwalayan

Franki Russell, Enrique Gil naantala ang pagkakamabutihan

Nag-post naman mismo ang nabanggit na netizen at todong nagpasalamat sa kaniya.

"Today marks the day that I met one of the most influential individuals in flesh. Thanks for the words, time, and effort to see me @kuyakim_atienza. Rest assured that I will always take your words to heart and will always remember that I am not alone battling this feeling," pahayag ni CJ.

"Thanks for saving a stranger’s life. You deserve all the love the world could offer!" aniya pa.

Naka-tag ang Instagram post sa account ni Kuya Kim.

Matatandaang nasa pagluluksa pa rin si Kuya Kim dahil sa pagkamatay ng anak niyang si Emman Atienza, na may kaugnayan sa mental health issues.

Maki-Balita: ‘Di ko na po kaya!’ Kuya Kim, sumaklolo sa isang netizen