October 09, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Mark Anthony Fernandez, napa-react matapos sabihang 'Only Legend Knows'

Mark Anthony Fernandez, napa-react matapos sabihang 'Only Legend Knows'
Photo courtesy: Screenshots from Gilbert Lamang (FB)

Usap-usapan ang naging reaksiyon ng aktor na si Mark Anthony Fernandez matapos siyang biruin ng isang fan habang nasa loob siya ng kaniyang kotse.

Sa isang Facebook reel, makikitang sinadyang habulin ng lalaki ang aktor para lamang sabihan ito ng "Only Legend Knows."

"Sir Mark!"

"Opo?" baling ni Mark Anthony kay Gilbert Lamang.

Tsika at Intriga

Nadine inokray sa toy collection, gaya-gaya raw kay Marian

"Only Legend Knows," natatawang sabi ng lalaki.

Kitang-kita naman ang pagtawa na lamang ni Mark Anthony at nakipag-apiran na lang sa lalaki, na isang content creator.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang pagkalat ng umano'y maselang video ng aktor, bagay na hindi naman niya kinumpirma o itinanggi.

MAKI-BALITA: Mark Anthony Fernandez, may kumakalat na maselang video?