January 03, 2025

Home BALITA National

4.4-magnitude na lindol, tumama sa Davao de Oro

4.4-magnitude na lindol, tumama sa Davao de Oro
Courtesy: Phivolcs/FB

Niyanig ng 4.4-magnitude na lindol ang probinsya ng Davao de Oro nitong Martes ng madaling araw, Oktubre 8, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 4:20 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 23 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Maragusan, Davao de Oro, na may lalim na 9 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity III sa Nabunturan, DAVAO DE ORO.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Pinag-iingat ng Phivolcs ang mga residente sa mga kalapit na lugar sa posibleng aftershocks ng lindol.

Inaasahan din daw na magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.