October 03, 2024

Home SHOWBIZ

Dating Careless: Liza Soberano, 'WILD' na!

Dating Careless: Liza Soberano, 'WILD' na!
Photo courtesy: @signedbywild (IG)/Liza Soberano (IG)

Matapos "layasan" ang talent management ni James Reid na "Careless," may bagong talent agency na agad si dating Kapamilya star Liza Soberano.

MAKI-BALITA: James sa paglayas ni Liza sa Careless: 'It's her decision'

Batay sa Instagram post ng Singapore-based talent management group na "WILD," sila na nga raw ang mamamahala sa showbiz career ni Liza.

"We’re so happy to welcome the talented Filipino-American actress Liza Soberano to our WILD family," mababasa sa caption ng post.

Tsika at Intriga

Heart at Pia, nag-unfollowan na raw sa IG; tanong ng netizens, 'Sinong nauna?'

Ang nabanggit na talent agency ay kilalang namamahala sa iba't ibang artists worldwide.

Samantala, hindi naman inihayag kung ano-ano ang mga nakalinyang proyekto para kay Liza.

Hindi pa rin naglalabas ng pahayag si Liza patungkol dito.