October 11, 2024

Home BALITA National

Bagyong Julian, ganap nang super typhoon

Bagyong Julian, ganap nang super typhoon

Ganap nang super typhoon ang bagyong Julian habang mabagal na kumikilos pa-west northwest palayo ng Pilipinas, Martes, Oktubre 1, ayon sa PAGASA.

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang super typhoon sa Huwebes ng hapon o gabi patungong Taiwan.

Nakataas ang Signal #2 sa mga sumusunod na lugar: Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Norte, northern portion ng Ilocos Norte, at northwestern portion ng mainland Cagayan.

Samantala, signal #1 naman sa nalalabing bahagi ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, Benguet, nalalabing bahagi ng mainland Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva VIzcaya, northern portion ng Aurora, at northern portion ng Nueva Ecija. 

National

Northern Samar, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Samantala, makararanas naman ng malakas na bugso ng hangin ang ilang lugar sa Luzon ngayong araw: Ilocos Region, Cordillera Administrative Region,  northern at eastern portions ng mainland Cagayan, eastern portion ng Isabela, Aurora, Zambales, Bataan, Metro Manila, CALABARZON, Romblon, at Camarines Norte.