December 23, 2024

Home BALITA Eleksyon

Sylvia Sanchez, sasabak na nga rin ba sa politika?

Sylvia Sanchez, sasabak na nga rin ba sa politika?
Photo Courtesy: Screenshots from Showbiz Updates (YT)

Isa rin umano sa mga umuugong na bulung-bulungan ang tungkol sa batikang aktres na si Sylvia Sanchez na hinihikayat umanong sumabak sa politika.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Linggo, Setyembre 29, inispluk ni showbiz insider Ogie Diaz kung saang posisyon umano hinihikayat si Sylvia na kumandidato.

“Si Sylvia Sanchez ay hinihimok na pumasok naman bilang konsehal sa 1st district ng Quezon City habang ang kaniyang anak ay reeleksiyonista bilang congressman naman sa district 1 ng Quezon City, si Cong. Arjo Atayde,” lahad ni Ogie.

“Dalawa na sila [ni Arjo] na papasok sa politics kung sakaling papasok si Ebyang [Sylvia] bilang konsehal,” wika niya.

Eleksyon

Pagpapaliban ni PBBM na lagdaan ang 2025 nat'l budget, nirerespeto ng ilang mambabatas

Dagdag pa ng showbiz columnist: “E, si Zanjoe [Marudo] ay manugang na ni Sylvia Sanchez at bayaw ni Arjo Atayde. So, posibleng pinag-uusapan talaga nila ‘yan. Or talagang balak talaga nilang pumasok sa politics.”

Matatandaang sa isang showbiz-oriented vlog ay pinag-usapan din nina Ogie ang tungkol sa umano’y pagtakbo ni Zanjoe bilang partylist representative sa darating na midterm elections.

MAKI-BALITA: Zanjoe Marudo, kakandidato sa darating na midterm elections?

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na anomang pahayag si Sylvia para kumpirmahin o pabulaanan ang nasabing tsika.