November 24, 2024

Home BALITA National

4.9-magnitude na lindol, tumama sa Davao Occidental

4.9-magnitude na lindol, tumama sa Davao Occidental
Courtesy: Phivolcs/FB

Isang magnitude 4.9 na lindol ang tumama sa baybaying sakop ng Davao Occidental nitong Linggo ng madaling araw, Setyembre 29, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 2:28 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 232 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 172 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.