September 26, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

'JOY IS GONE!' Teaser ng 'Hello, Love, Again,' usap-usapan

'JOY IS GONE!' Teaser ng 'Hello, Love, Again,' usap-usapan
Photo courtesy: Screenshots from Star Cinema (X)

Trending sa social media platform na X ang ilang hashtags at topics na may kinalaman sa inaabangang sequel ng "Hello, Love, Goodbye" nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, ang "Hello, Love, Again," na mapapanood na sa mga sinehan sa darating na Nobyembre 13 nationwide.

Mapapanood sa X account ng Star Cinema ang nabanggit na teaser.

Ilan sa mga trending topics na may kinalaman sa pelikula ng KathDen ay "#HelloLoveAgainTeaser" at "JOY IS GONE."

Photo courtesy: Screenshot from X

Sa halos lagpas isang minutong teaser kasi ay ipinasilip ang posibleng conflict sa pelikula matapos sabihin ng karakter ni Kathryn na si "Joy" na "Marie" na ang tawag sa kaniya, mula sa pangalawa niyang pangalan (Joy Marie Fabregas).

Pelikula

FranSeth, 'di makapaniwalang may pelikula na

Makikita ring tila umorder siya ng kape kay Ethan (Alden Richards) na naitayo na ang pangarap na cafe-restaurant.

"Joy is gone!" madiing sabi ng karakter ni Kathryn sa karakter ni Alden.

Kaya naman agad na nag-trending ang pelikula at nakaabang na ang mga manonood na matunghayang muli ang kahihinatnan ng kuwento ng pag-ibig nina Joy at Ethan.