September 21, 2024

Home SHOWBIZ

Gerald Anderson, gusto na raw magkapamilya?

Gerald Anderson, gusto na raw magkapamilya?
Photo Courtesy: Gerald Anderson (IG)

Nagbigay ng reaksiyon ang showbiz insider na si Ogie Diaz sa isang video ng ina ni Kapamilya actor Gerald Anderson na tila humihirit na ng apo bilang birthday wish.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” kamakailan, sinabi ni Ogie na gusto na raw talaga ni Gerald na bumuo ng pamilya.

“Kung kilala mo si Ge [Gerald], gusto na niyang magkapamilya. Trenta y singko na si Gerald Anderson. And I told Ge nga, 31 mayro’n na akong anak. 54 na ako, may 23 years old na ako na panganay,” saad ng showbiz columnist.

“Kaya nga tinatanong ako ni Ge kung pwede na raw siyang magkaroon ng anak. Sabi ko, oo naman!” wika niya.

Wish ni Ogie Diaz kay Liza Soberano: 'Sana magising na'

Pero mauunawaan naman daw kung hanggang ngayon ay pinipigil pa ito ni Gerald dahil kasalukuyang namamayagpag ang karera ng jowa niyang si Julia Barretto.

“Tapos mayro’n pang gagawin si Gerald na teleserye ‘yong ‘Nobody.’ Pero feeling ko, pinaplano na nila ‘yan,” ani Ogie.

Matatandaang minsan na ring inamin ni Gerald sa isang panayam noong Hunyo na handa na raw siyang lumagay sa tahimik.

MAKI-BALITA: Gerald Anderson, handa nang pakasal: 'I'm closer to that'

Sa ngayon, abang-abang na lang muna kung kailan tutuparin ni Gerald ang wish ng mother niya!