September 21, 2024

Home BALITA Probinsya

Barangay chairman sa Ilocos Norte, pinagbabaril

Barangay chairman sa Ilocos Norte, pinagbabaril

Pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang salarin ang barangay chairman sa Brgy. 5 San Silvestre, San Nicolas, Ilocos Norte, Biyernes ng gabi, Setyembre 20.

Kinilala ang biktima na si Francisco Bagay Jr., 45, residente at barangay chairman ng naturang lugar. 

Lumalabas sa imbestigasyon na nasa garahe ng kaniyang bahay ang biktima habang nakaupo nang dumating ang lalaking suspek at pinagbabaril ng ilang beses ang biktima. 

Ang suspek ay lulan ng isang motorsiklo na miinamaneho ng kaniyang kasamahan at tumakas. 

Probinsya

Higit 1 buwang nawawala: Mangingisda mula sa Quezon, inanod sa Batanes!

Nagtamo ng ilang tama ng bala sa katawan ang biktima at isinugod sa Black Nazarene Hospital ngunit ito ay pumanaw habang nilalapatan ng lunas. 

Sa pag-iimbestiga ng SOCO, narekober nila ang dapat na fire cartridges case para sa cal.45 na baril at bala.