September 19, 2024

Home SHOWBIZ

Sey mo, Chloe? Carlos Yulo kinilig kay Andrea Brillantes

Sey mo, Chloe? Carlos Yulo kinilig kay Andrea Brillantes

Tila "kinilig" ang mga netizen at studio audience ng musical variety show na "ASAP" matapos lumitaw si Kapamilya Star Andrea Brillantes para magbigay ng mensahe kay Golden Boy.

Sa episode ng ASAP ng ABS-CBN nitong Linggo, Setyembre 7, ay nagbigay-tribute ang ASAP stars para kay Caloy, dahil sa karangalang binitbit nito sa bansa, matapos manalo ng dalawang gintong medalya sa men's artistic gymnastics, para sa vault at floor exercise.

Mababasa rin ito sa official Instagram page ng ASAP.

"The grand welcome celebration of two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo on the ASAP stage!" anila.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Matapos ang tribute, naghiyawan naman ang fans nang biglang tawagin ng hosts si Blythe, at sabitan ng golden lei ang atleta.

Makikita namang masaya ang partner ni Caloy na si Chloe San Jose na nang mga panahong iyon ay nasa studio audience at nanonood. Biro pa ni Maymay Entrata dahil pati ang jowa ay kinikilig din.

Mensahe ni Andrea kay Carlos, "Siyempre una sa lahat congratulations kasi hindi lang isang gold medal kundi dalawa, so, gusto ko lang sabihin na thank you kasi you're such an inspiration to all of us, maraming salamat sa lahat ng hardwork na ibinigay mo dito."

Dagdag pa ni Andrea, "Sobra mo kaming pinasaya, sobra kaming proud na proud maging Pinoy so thank you so much and congratulations."

Matatandaang kamakailan lamang ay ibinida na mismo ni Chloe ang photo opportunity nila ni Caloy kay Andrea, na kuha mula sa taping ng ASAP.

MAKI-BALITA: Carlos Yulo, nakasama sa larawan si Andrea Brillantes

Trending ang "Carlos Yulo" at "Blythe" sa X dahil dito.