September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Mga beks, nagkakagulo sa pink utong ni Kyle Echarri

Mga beks, nagkakagulo sa pink utong ni Kyle Echarri
Photo courtesy: Screenshot from Drag Race Philippines Season 3 (HBO) via X

Mukhang si Kapamilya actor-singer Kyle Echarri na ang bagong pantasya ng sangkabekihan matapos niyang maging guest judge sa "Drag Race Philippines" season 3 kamakailan.

Naging hot topic pa nga ang pagpapakita niya sa kaniyang "pink nipple" na naging dahilan para "magwala" ang mga drag queen contestants, lalo na si "Angel."

Walang habas ding sinabi ni Angel na feeling daw niya ay tinablan daw si Kyle sa kaniyang alindog dahil binulungan daw siya nitong ang ganda niya, nang ihatid siya nito palabas ng stage.

"Hinatid ako ni Kyle Echarri palabas ng stage. Binulungan niya ako ng 'You're so beautiful.'"

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

"Parang feeling ko napatigas ko t*ti niya," kawindang na saad ni Angel.

MAKI-BALITA: Kyle Echarri, tinigasan sa drag race artist? 'Feel ko napatigas ko t*ti n'ya!'

Game na game din kasi si Kyle sa pakikipagkulitan sa mga contestant lalo na sa pagsasabing pinkish ang kulay ng kaniyang nipple, na talaga namang ikinawindang ng contestants. Pati ang host na si Paolo Ballesteros, hindi pinalagpas ang pagkakataong patunayan ni Kyle na pink nga ang kaniyang nips.

Sa kaniyang X post ay sinabi rin ni Kyle na nag-enjoy siya sa judging stint sa nabanggit na timpalak.

"I barely use Twitter but thanks for the love y’all The queens killed the Snatch Game and I’m just honored to be apart of the Episode. Hope you guys enjoyed cause I sure did ."

Photo courtesy: Kyle Echarri (X)

Maging ang drag race artist sa ibang bansa na si "Seddera Side" ay pinaghahanap na rin siya matapos matuwa sa panonood ng Drag Race PH.

"Kyle Echarri if you’re reading this i am free on thursday night. if you would like to hang out i am free on thursday night when i am free to hang out. i am free to hang out on thursday night so if you want to hang out on thursday night i am free," mababasa sa X post ni Seddera noong Setyembre 7 ng gabi.

Photo courtesy: Seddera Side (X)

Pero sey ng mga accla, bago niya "matikman" si Kyle ay makakalaban niya muna si Angel.

"Lagot ka muna kay Angel hahaha."

"Mukhang si Kyle na ang pantasya ng mga accla dahil sa pink utong hahaha."

"Girl may pila"

"i think there's a queue, 'diba mother @_angelgalang18??? HAHAHAHAHAHA."

"Hayan, dinudumog na si Kyle dahil sa pink utong hahahaha."