September 19, 2024

Home BALITA National

Alice Guo, na-turn over na sa PH authorities

Alice Guo, na-turn over na sa PH authorities
(Photo: DILG Sec. Abalos/FB screengrab; contributed photo)

Na-turn over na ng Indonesia sa mga awtoridad ng Pilipinas si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo nitong Huwebes, Setyembre 5.

Pinangunahan nina Department of Interior and Local Government (DILG) Benhur Abalos at Philippine National Police (PNP) Chief Francisco Marbil, na nagtungo sa Jakarta, Indonesia, ang pag-turn over ng Indonesian authorities kay Guo.

Inaasahan umanong ibabalik sa bansa si Guo nitong Huwebes ng gabi.

Matatandaang nitong Miyerkules, Setyembre 4, nang maaresto si Guo sa Tangerang City, Jakarta, Indonesia.

National

VP Sara, hindi 'isang kaibigan' si PBBM; nagkakilala lang dahil sa eleksyon

MAKI-BALITA: Dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, arestado na!

Si Guo ay nahaharap sa contempt order at ilan pang kaso sa Pilipinas bago siya tumakas ng bansa at magtungo sa Malaysia, Singapore, at panghuli nga ay sa Indonesia.